Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Disyembre 17, 2011

Red Sonja (1985)

 Kung nabuhay ka nung 1985 at me kamalayan ka na nun e sigurado matanda ka na ngayon... anyway, isa sa mga "boom" nung time na yun ay ang pagdating ng mga "protein shakes" mga exercise videos at nauso ung term na "Weights." Sa sobra lakas ng market nun sa aesthetic value ng pagweweights naglipana din ang mga commercial nun sa pagpapalaki ng katawan, un bang me bibilhin ka lang na gadget o iinumin e magiging michelin man ka na...

 Dahil nga dun isa sa mga breakaway films e ung CONAN the Barbarian, recently ginawan to ng remake pero olats naman... Para sa ndi nakakakilala sa kanya ( baka kakapanganak mo lang kahapon) eto ung itsura ni Conan:


  Sino ba nman lalaki ( o pusong babae) ang hindi nangarap maging Kagaya ni Conan, isipin mo ang pecs mo e bakat sa shirt, may abs, at mukhang ndi ka tatablan ng bala. Kaya naman kahit walang katorya torya ang storya ng conan e kumita to ng malaki at naging isa sa mga "memorable" na pelikula ni ex governor ( ang hirap ispell ng surname nya)

 So kung bumenta si Conan sa mga boys, natural umandar sa isip ng mga investors na subukan ang merkado(market) sa mga babae. Sigurado hindi mo makukumbinsi ang isang normal na teenager na babae na magweights kagaya ni Conan ( Unless full pledge butch), pero, pwede mo makumbinsi sila na pwede rin sila maging barbarian sa ibang pamamaraan ( maliban sa pagbubunganga) Kaya pumili sila ng isang character sa marvel comics( babae of course) at ginawa nila main protagonist... At nabuhay nga si Red Sonja:


 Exact opposite diba? Pero dual edge, kung idol mo si Conan as a hero,si Red Sonja din. Malamang kung lalaki ka ilang beses mo rin inantay ung shower scene sa pelikula... Pero kung matino ka alam mo walang shower scene dun, dahil wala pa shower nun... Pervert ka lang talaga.

 Si Red Sonja e ginanapan ni Brigitte Nielsen, exacto isang taon matapos ung Rocky IV, pumili talaga ang production ng Red Sonja ng aktres na babagay sa role, sumagi ba sa isip mo na si Grace Jones( ME role sya sa previous CONAN Film as Zula) e gaganap na RED SONJA? Kung oo, malamang hindi mo pa napapanuod ung CONAN o hindi mo sya kilala talaga ( eto pala sya:)

 Kung akala mo si Wesley Snipes yan na naghairdo ni MC Hammer e mali ka, yan Si Grace Jones, at Babae yan.

 Kaya nga Si Brigitte Nielsen ang nakuha para sa title role. Me isa pa sila problema, baguhan si Brigitte sa mata ng audience, at hindi sila sure kung ganun kalakas ang market power ng babaeng barbarian sa "Female Market." Para makasiguro, pinilit pa rin nila idikit ang identity ni Conan ke red sonja, although ngayon ndi na CONAN ang pangalan nya, Lord Kalidor na. SO naging Si Red Sonja ang protagonist at supporting nun  si "Lord Kalidor"

  So nakaset na, Si Red Sonja na nakapares sa Imahe ni CONAN. Perpekto diba? Walang talo.

   HINDI RIN.

 Nasobrahan ang emphasis ng movie sa mga costume at mga hype... Gaya ng paniniwala na basta nandun si Conan sa scene at mas maiksi ang damit ni Red Sonja e pipilahan to ng mga manunuod. Nawalan to ng matinong plot, sa kagustuhang maisingit ang mga characters e nagkaron ng ganito scene:

   Kita naman ung layo ng braso ni Lord Kalidor ke Red Sonja diba? Pero napagod siya, anlakas ni Red Sonja. Wahaha.

 Meron din strong homophobic theme ang pelikula, although mas maganda sana kung me "Mud scene" si Red Sonja tsaka ung "evil queen"

  Overall, nagenjoy nman ako panuorin ung Red Sonja, wala lang, ansarap kasi manuod ng babeng half nude tapos magaling magespada ( pervert...pervert) yun lang hindi dahil maganda yung istorya nya.
  So kung gusto mo ng palabas na napakataas ng body count, hack and slash action, mildly pornographic ang tema, at walang direksyon na plot. Panuorin mo na agad ang Red Sonja. Wag lang sana mangyari sayo to:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento